Isang liham para sa mga miyembro ng Filipino Freethinkers

by Katoliko

Magandang umaga sa inyo mga kapwa ko Pilipino, ako ay isang Katoliko at nais ko lang ipaaabot sa inyo ang aking mga napuna tungkol sa inyong mga gawain.

1. alam ko na kayo ay galit sa aming mga Katoliko dahil naniniwala kami sa Panginoong DIyos at mas galit kayo dahil tutol kami sa inyong adbokasiya tulad ng same sex marriage, rh bill at kung anu ano pa. Galit din kayo sa amin dahil hindi naming binibitawan ang aming pananampalataya kahit manalo man ang mga pulitiko na anib sa rh bill. Galit kayo sa amin dahil naniniwala kami sa Panginoon kahit pinabubuti ng agham at eknolohiya an gaming mga buhay, mas nagngingitngit kayo sa galit dahil pinasasalamatan naming ang Diyos kaysa sa mga siyentipikong umimbento ng mga gamit na iyon.

Richard Dawkins

Kung ang tao ay isang unggoy, e di animal rights ang ipaglaban ninyo hindi human rights

2. Alam ko na mababa ang tingin ninyo sa aming mga “Deists” dahil hindi naming napag-aralan ang mga bagay na napag-aralan ninyo. Mababa ang tingin ninyo sa amin dahil hindi kami rationale thinkers tulad ninyo. Mangmang ang tingin ninyo sa amin dahil hindi kami nananalo ng kung anu anong recognition at Globe Tatt awards. Mababa ang tingin ninyo sa amin dahil hindi kami nagsipasukan sa mga matataas na unibersidad.

Image

ayon sa inyong facebook, nasa 24, 658 na katao ang freethinkers, sige praktikal na usapan, marami sa kanila ang nasa Maynila pero bakit parang kaunti pa rin ang inyone meeting?

3.Galit kayo sa amin dahil sa loob ng 4 na taong pamumuna ninyo sa Simbahang Katoliko ay wala kayong naipapakitang mas magandang kontribusyon sa ating lipunan. Nagagalit kayo sa Simbahang Katolika dahil kahit mapansin ninyo ang mga pagkakamali ng mga pari, Obispo, Kardinal at Santo Papa, kami ay napapatawad ng taumbayan. Paalala lamang na ang populasyon ng Pilipinas ay hindi lamang 24,658 (as of Jan. 4, 2014), hindi lahat ng Pilipino sa mundo ay katulad ninyo. Sa totoo lang may mga kaibigan akong kaanib ng inyong samahan ngunit hindi naman sila tunay na sang ayon sa inyo, ginagamit nila ang inyong mga larawan, blogs, posts, comments para ipakita sa mundo ang tuny na kulay ng isang freethinker.

Image

Akala ko pa naman ay aabot ng 1000 na katao ang lalahok sa mga aktibidades ninyo pero ni hindi ko nga napanood sa TV ang ginawa ninyo e. Hanap kayo ng freethinker na Public Relations expert

4. Alam kong sagad sa buto ang galit ninyo sa mga naniniwala sa Diyos dahil hanggang ngayon ay hindi ninyo naooffend ang mga Pilipino lalu na kaming mga Katoliko. Natuto kami mula sa Bibliya na mahalin ang aming kaaway. Pero sa sitwasyong nating ito, hindi ko kayo kaaway. Wala akong kaaway, kayo ang nag-iisip na may kaaway ako. Kayo ang tunay na may kaaway. Sumulyap kayo sa harap ng salamin para makita ninyo ang totoong kaaway nang inyong mga puso.

5. Naiinggit kayo dahil ang mga relihiyon ay may tax exemption. Kung ang mga simbahan ay mapapatawan ng buwis, handa ako at ang ibang mga Katoliko na mag-ambag para sa aming mahal na Simabahan. Hindi kami titigil sa pagaabuloy at pagtulong sa Simbahan. Wala kayong ipinagkaiba sa amin dahil pati naman kayo ay may “donate button” via paypal sa inyong official website.

Image

6.Galit kayo sa amin dahil kami ay mga hipokrito, aaminin ko na bilang isang tao, ako ay hipokrito. Ang pinagkaiba ng isang katolikong hipokrito s freethinker ay ang Katoliko ay may lakas ng loob na umamin sa madla na siya ay makasalanan. Ang freethinker? Well hanggang blog na lang ang kaya ninyo. Hindi naman lahat nakakabasa ng blogs ninyo e.

7. Galit kayo sa aming mga Katoliko dahil hindi naming binibigyang pansin ang inyong tinatawag na “freedom of expression”, gusto ninyo ay malaya kayong mambatikos, mamintas, mambully sa internet at gusto ninyo ay walang batas na humadlang sa inyo. Kunwari ay kayo ang nagligtas ng demokrasyo ng Pilipinas laban sa mga mapaniil na secular na gobyernong gusting pumigil sa mga mambabatikos. Pero ang katanungan, kung gusto ninyong maging Malaya ang inyong mga karapatang mambatikos, bakit binablock ninyo ang mga bumabatikos sa inyo? Dati nagpopost ako ng mga comments sa facebook niyo pero ngayon naka block na ako. Demokratiko ba talaga kayo o pinipili niyo lang ang gusto ninyong marinig, mabasa at makita?

Image

Atheists meet up, inside a place of worship. Whats wrong with this picture?

Image

Ang kinatatakutan ng bawat freethinker

8. Nagwawala kayo sa  galit dahil alam naming na ginagamit ninyo mismo ang Bibliya para siraan kami. Hindi ba nakapagtataka na wala kayong ibang gamit para siraan kami? Bakit hindi ninyo gamitin ang mga libro nina Richard Dawkins, Stephen Hawking, Charles Darwin para siraan kami? Natatakot ba kayo na masabihan na “a taste of your own medicine”?

9. Nagmamaang maangan pa kayo na hindi kayo naniniwala sa Diyos pero ipinagdidiwang ninyo ang pasko. Ang pasko, gawin niyo mang sekular yan, pasko pa rin yan. Alam pa rin ng buong mundo na ang kapanganakan ng Panginoong Jesus ang ipinagdidiwang sa araw na iyon, kaya nga Merry CHRISTmas e. Kung susundin ninyo naman ang winter solstice o axial tilt, e di ba pananiniwalang pagano naman yun? Anu ba  talaga kayo? Atheist o naghahanap pa kayo ng tamang depinisyon sa inyong paniniwala.

10. Naiinis kayo sa amin dahil kahit ultimo Gregorian calendar ginagamit ninyo, pakiresearch nga sa internet na ang Gregorian calendar ay ipinaayos ni Pope Gregoy  mula sa Julian calendar ni Julius Cesar. Ginagawa ninyong sekular ang mga bagay na ginagamit ninyo, pero bakit hindi ninyo gamitin ang inyong mga talino at gumawa kayo ng hiwalay na kalendaryo kung naiinis kayong marinig ang “in the year of our Lord”?

Image

Merry CHRISTmas atheists! God bless!

 

Hanggang dito na lang muna ang aking liham sa inyo at sana ay maunawaan ninyo ang aking mensahe na hindi ako galit sa inyo. Naaawa ako sa inyo dahil kayo mismo ang puno ng poot. Hindi kami ang bigot ditto kundi yung taong makikita ninyo sa salamin.

 

God bless you all.

Advertisements